Tuesday, June 29, 2010

Prinsipyo mo, hanggang saan bilang estudyante?




Isang napakagulo nanamang araw ang aking nasimulan bilang magaaral. Napakarami ko nanamang napuntahan bagama't wala naman akong pamasahe papuntang Cebu, ay nais ko rin makarating doon. Haha! bakit ba napunta sa Cebu? The sun is totally on high! at ganoon din naman kainit ang nadarama ng mga estudyante na tulad ko. Ano nga ba ang pakiramdam ng hindi ka mkapagtapos na kasabay mo ang kapwa mo kamagaral? Anong sakit hindi ba? Tila ang pakiramdam nito ay para kang napag iwanan. Isipin mo na lang na ang mga kamagaral mo ay nasa langit at ikaw ay nasa impyerno, ngunit hindi ko naman sinasabi na ganoon sa halip ay nagbibigay lang ako ng halimbawa. Kung prinsipyo rin lang ang paguusapan, lahat dapat maayos! Ang taong may prinsipyo kahit pader pa ang binabangga niyan, lalaban at lalaban yan. Ang tanong, kung lalaban ba ang isang estudyante ay may magagawa ba ito laban sa sarili niyang paaralan? Nais lang niya ng pagbabago. Maari naman sigurong magpalakad ng maayos, bakit kaya hindi nila magawa?

Oo, alam naming nagdaan sila sa pagiging mag aaral ngunit ang lubos naming hindi maintindihan ay ang pagpapatakbo ng bulok na sistema. Kahit naman saang paaralan o pamantasan ay may ganitong adyenda. Hindi na halos masikmura ng mga anak ng paaralan ang ganitong senaryo. Magtitiis nalang ba tayo? Kaawa awa naman ang mga susunod na henerasyon kung ganito na lang lagi ang pagpapalakad sa mahal nating paaralan. Maaabutan pa kaya ng mga magiging anak natin yan?

Sa bandang huli ng komentaryong ito, nais kitang bigyan ng isang katanungan. Kung magbabago ba ang pagpapalakad ng isang institusyon ay mababago din ang kalidad ng edukasyon? O ang mga estudyante muna ang kailangan makaintindi na sadyang ganito na lamang ang sistema na ihinahain sa kanila ng Paaralan? Hind mo maaring sisihin ang sarili mo kung saan ka ba talaga lulugar lalo na kung ikaw ay 4th year student. Dahil kapag ikaw nag ala-filibustero ay ikaw ay masasawi. Tila may kanser pati sa ating mga paaralan, kanser na hindi mapuksa puksa ilan mang henerasyon ang dumaan.


Sunday, June 27, 2010

blog test: New President,New Philippines!

blog test: New President,New Philippines!: "Isang bagong panimula nanaman pra sa bansang Pilipinas ang pag pasok ng bagong pangulo na si Noynoy Aquino. Tila parang bagong usbong na bul..."

New President,New Philippines!

Isang bagong panimula nanaman pra sa bansang Pilipinas ang pag pasok ng bagong pangulo na si Noynoy Aquino. Tila parang bagong usbong na bulaklak at bukal na dumadaloy ang pakiramdam ng bawat Pilipino. Kabi-kanila ang pangako at plano ng ating bagong pangulo, ngunit marami ang nagtataka kung ito ba ay maisasagawa ng bagong administrasyon. Bilang isang estudyante, ang magagawa ko lamang ay sumunod at mismo sa sarili ko magsimula ang pagbabago bago sa bayan.

Give him a chance, a chance to prove all his promise to our beloved land. Pero mas maigi ata ng di nalang siya nangako sa bayan kung di rin lang matutupad sa isang banda... madaming mata ang naka antabay kay Pres. Noynoy. siguro naman sapat na yon para maging maayos siya.

Naway higitan niya ang mga nagawa ni Pres. Gloria sa bansa nating mahal. Saa totoo lang naman talaga, madami din nagawa si PGMA sa bansang natin. Sa foreign affairs especially at sa mga imprastraktura. Ang hirap sa mga pinoy at puro negatibo lang ang nakikita. Matuto tayong magpahalaga kung ano ang kanyang nagawa, at "iappreciate" naman natin!

Hindi nga lang maiwasan makompara ka pag bago ka, tulad ngayon na si Pres.Noy na ang nakaupo. malalang ikokompra nanaman sia ni juan sa mga naunang presidente.

Pres. Noynoy, we'll be watching you! =) dont break our trust!.